Blog

Animan Fertilizer or Chicken Manure Fertilizer. Itong fertilizer na to ay pwede maka tanggal ng amoy ng mababahong manure ng mga hayop. Manure, ano nga ba itong manure na ito. Ang manure ay tawag sa dumi ng hayop. Marami sa ating mga lugar ay may poultry kung saan dun natin makikita ang chicken manure or ang dumi ng mga manok na ginagawang fertilizer na pwedeng makapag pataba ng lupa at pwede ring makapag tagtag ng amoy ng dumi ng hayop. Alam nating ang dumi ng hayop ay mabaho lalo na ang dumi ng manok. Ikaw paano mo maso-solusyonan ang amoy ng dumi ng hayop sa inyong lugar?

 

​Una ang chicken manure o kaya ang dumi ng manok ay isa sa pinag kukunan ng mga fertilizer sa ating mga halaman. Ang pilipinas rin ay isang agriculturan na bansa na kilala sa tanyag nitong likas yaman sa mga taniman at ibang agrikulturang pang kabuhayan. Dahil nga sa kayamanan natin sa pang agrikulturang pangkabuhayan hindi natin masyado napapansin ang kalat na ating naikakalat sa ating kapaligiran. Ang Chicken Manure Fertilizer na iminumukahi na ito ay napaka laking tulong para sa mga risedente ng isang barangay na mayroong problema sa amoy o baho ng mga dumi ng hayop sa kanilang paligid. Napaka laking pinsala ng dumi ng hayop sa isang komunidad. Marami ng nag-gagawa ng report ukol sa kanilang nararanasan sa kanilang komunidad na napipinsala at hindi maganda ang dulot nito sa kanila at lalo na sa mga bata at sa matatanda.

nm,

Itong Animan Fertilizer ay naimbento dahilan sa polusyon na nararanasan sa bawat lugar na mayroon mga hayop na alaga at ito ay naimbento rin upang mag tagtag ng amoy ng dumi ng hayop na pwede ring gawing pataba sa lupa. Ngunit hindi ito pwede gawing pataba sa mga gulay or prutas na sa ilalim lumalaki ang bunga tulad ng mga patatas, kalabasa at iba pang gulay at prutas. Itong Animan Fertilizer ay may masamang epekto sa mga prutas o gulay na sa lupa lumalaki ang bunga at masama rin ito kung mapapadami ang lagay sa lupa. Tulad nga sa unang pahayag ito ay pwede rin pang tagtag ng amoy ng dumi ng hayop. Ngunit hindi ito pwede sa pang maramihan nagamit. Ang tamang paggamit ng Animan Fertilizer na ito sa dumi ng hayop ay may proseso kung saan kinukuha ang katas ng dumi ng manok kung at papalipasan ng ilang araw upang maging tubig at tsaka pa pwede gamitin.

“Ito ang mga ilang kagamitan kung saan magaganap ang proseso ng pag-gagawa ng Animan Fertilizer.”

 

Ayon sa ating rebyu tungkol sa Animan Fertilizer ay mayroon itong malaking tulong sa ating mga komunidad at pwede rin itong makapagtagtag ng ibat ibang amoy ng dumi ng hayop sa ating kapaligiran. Ito ring Animan Fertilizer ay pwedeng makatulong sa atin sa ating mga taniman ngunit aalamin natin muna dapat ang mga bawal pag gamitan nito upang tayo ay makaiwas sa sakit na magiging dulot nito kapag hindi tama ang ating pag gamit nito. Marami ang pwede nitong matulungan sa mga problema sa kanilang komunidad sa problema nila sa amoy ng kanilang kapaligiran at mas madali at mas kakaunti ang kanilang gagastusin sa paggawa nito at ang kanilang pinaka pangunahing materyal ay ang dumi ng manok kung saan makikita sa mga poultry na malapit sa inyong komunidad na nakakapinsala rin sa inyong kapaligiran, at dahil dumi ng manok ang pangunahing materyal ang mga poultry ay pwedeng makiisa sa proyekto na ito na makakatulong rin sa kanila sa pag babawas ng polusyon sa kanilang komunidad.

nm,.sdf.gif
Maraming salamat at paalam sa inyo mga kaibigan!!!